Friday, December 22, 2006

Saan saan na pumunta, sino sino ang kinita. Pero wala parin akong madama...
I was born in the States...
Pumipiyok piyok, palambot lambot...
Ikaw ang bituin na pangarap kong abutin...

Sino ba ako? Kailan ba makakawala sa pagka-bilanggo?
Nabilanggo ako ng Encadre.

Di ka na, di ka na makakawala...

Parang ayoko nga lumaya…

I fell inlove with the play too much. Oo mushy na kung mushy. Pero seryoso.
Minahal ko talaga ang play na to. Binigay ko ang 101% ko.

Feeling ko, hindi lang ako yung hindi pa over sa play… Kagabi nga lang sa party eh nag kakantahan parin ng Encadre songs ang mga AA.

//--------------------------------------------

Ang saya nung party kahapon.. First time kong pumunta sa isang AA event na hindi production ang pinaguusapan… Nung umpisa ay literal na nakakapagod siya, tapos nung bandang huli, naging masaya at maayos yung party. Nakapag-bonding kami ni Seh at malaki ngayon ang utang ko sa kanya. Haha. :P

Sayang wala akong camera. Sadyang nakakalungkot pag hindi ka nakapag-charge ng battery at ang digicam mo ay nasa loob lang ng bag mo at walang silbi. Owell.

Congrats sa mga heads. :)

//---------------------------------------------------

Pasko nga pala no.. Ika nga ni Goddess (K. Richard), kung hindi lang ibinabalita sa radyo ang countdown kung ilang araw na lang bago magpasko, eh hindi mo marerealize na 3 days na lang.

Ang weird.. Andami kong kilala na hindi ramdam ang pagsapit ng pasko ngayon. Including moi. Hindi ba siguro dahil mabilis
natapos ang 2006? Ewan.. Dati sobrang excited na ko mag pasko pag September pa lang..

Basta ang mahalaga, kasama mo mga mahal mo at masaya kayo. :)

Random Thoughts:
1. I look fatter on the big screen. Putek ang pangit ko talaga dun sa movie. Owell. :P
2. Book 7 is, Harry Potter and the Deathly Hallows... :P

Merry Christmas!



Saturday, December 16, 2006

Wow. Ang bilis ng panahon... Parang kailan lang nagre-rehearse kami sa Colayco..
Tapos nung thursday, nag sara na ang Encadre..

Feeling ko di ako makaka-get over sa play na to.. Ito yung isa sa mga plays ng AA na sobrang minahal ko dahil nagsilbi siyang turn-around sa buhay AA ko.

Una, naging Artistic Side ako, Tapos na-experience ko magbayad ng Solicitations... Hehe. Tapos umakyat ako sa Entablado.. na actually, isa sa mga goals ko bago mag-tapos ang second year.. At dito ko naranasan uminom ng kape. Dahil ayoko talaga ng kape at never pa akong nakakainom ng kape. Haha. :)

Napaka-mushy ko ba? Pero seryoso sobrang... Wala lang.. Mahal ko lang talaga ang Encadre. :)

Hanggang ngayon, pinapakinggan ko parin yung mga Encadre songs. Hay...

Ay.. Tsaka nakakuha ako ng poster. Mwahaha. Courtesy of Araneta Center-Cubao LRT Station. :P


//-----------------------------------------------------------

Christmas Party ng 2ca3 mamaya. Yey yey.

At.. One year na kami ni Janus my love. :)



Sunday, December 10, 2006


Ang Encadre ay narito na!

Dates and Showtimes:
December 12 - 3, 5, 7
December 13 - 10, 1, 3, 5
December 14 - 10, 1, 3, 5

Venue: Rizal Conference Hall, St. Raymund's Building, UST, España.

For the low low price of.. 20.. 19 pesos! :)

For more info, leave a message. Or contact me. :)



Saturday, December 09, 2006

Andito ako sa Lib at may rehearsals sa ex-colayco ngayon. Actually wala pa namang ginagawa mga SG kaya dito muna ako at mag-reresearch ako para sa English ko. At magbblog narin.

Hmmn. Actually wala pala akong ibblog.
Masakit lang ulo ko. =\

For the sake of updating lang. :)



Friday, December 01, 2006

Mood: Masaya
Music: Lie About Us - Avant ft. Nicole Scherzinger.

Iilang araw na lang ang nalalabi at malapit na mag bagong taon. Pero bago yun, magtatanghal muna ang Encadre, at aayusin ko ang set ng Mr. and Ms. AB! :) Goodluck. HAHA.

Ang saya pala ng walang pasok. Andami ko na yatang na-achieve para sa sarili ko. Pagddl ng bagong kanta, pageedit ng litrato, pag-gagawa ng bagong earrings, pagssubmit sa deviant art, at kung ano ano pa. Kaya lang hindi ako nakapunta sa dentista. At gusto ko na matapos ang session na ito dahil alam kong masakit ang mangyayari. Naiinis ako magantay. Hehe. Labo ko.


2 days lang pala ang break ko kasi may rehearsals tomorrow and may NSTP sa sunday. Owell.
Enjoyable ang NSTP. In fairness. Kahit napakasakit ng katawan ko noong mga nakaraang araw, eh.. Well. Masaya. Napaka-macho ko kasi. Amen.
Thanks Gabso. :D
Grabe. Tinatamad na ko maging studyante. Baka kasi dahil sa mga *ahem* eh nawawalan na ko ng gana magaral. Wala na kong natututunan. Well except sa CA, Histo, RC, Theo2, and Bio. Other than that, wala na. Super blank na yung brain ko.

Random thought: Lahat ng AA sa listahan ko, puro display image, galing sa Encadre pictorials. Naaaliw talaga ako. Haha. :) Ganda kasi ng ilaw sa Quadricentennial park eh.

Pero magaling din yung kumuha. -- http://cramattack.multiply.com (Thanks Gabso. :D)

//-- EDIT

Ang dami ko pa palang sasabihin. Di lang pumasok sa isip ko kanina.

Condolence sa pamilya ni Mr. Maximo V. Soliven na sumakabilang buhay noong isang linggo pa. Di ko actually maalala yung date kung kailan. Pero nung nareceive ko na lang yung txt message from my fellow montessorian, nagulat na lang ako at nagreply ako ng "di nga? talaga?" at sabi niya, "oo, at dahil sa pneumonia."

or something like that.

Ako naman ay na-super shock dahil I have always pictured Mr. Soliven as a very lively person. Di naman yung tipong napaka-immortal niya.. It's just that I have never heard of him being sick or being under the weather. Baka nasanay lang talaga ako na nung nasa highschool ako, araw-araw kong pinuputol ang kanyang column para idikit sa MVS-PSS-SS-DG (Sara Soliven-De Guzman) notebook ko. Na paminsan minsan ay ginagawan ko pa ng critic -slash- reaction dahil kailangan namin sa homeroom. At nung naka-graduate na ko, once in a while, pag nahihiram ko ang Star ng dad ko, binabasa ko parin yung column ni Mr. Soliven. Naging habit ko na ata yun.

I have met him once. Kasama ko pa tatay ko sa McDonalds nung araw na yun. Nagulat nga ako nung binati niya tatay ko.. Tapos na-realize ko na ang lolo ko nga pala ay naging journalist din dati at lahat ng mga ate ko ay nagaral sa OBMC. Haha. Anyway, kinamusta niya dad ko at ang lolo ko (na-hindi niya maalala na sumakabilang buhay na dati pa.) So ayun. Tumahimik na lang ako sa isang tabi. Haha. :) Tapos kinamusta niya rin ako. Tapos yun na. Yun lang ata yung oportunidad na nakausap ko siya.

Pero nakausap parin ni daddy si Max nung graduation namin sa CAT sa Camp Crame. Hmmn.
Siya rin pala ang dahilan kung bakit nakapagmartsa (spelling?) ang aming batch dun sa Crame. Owell. Malaki utang na loob ng Maghari sa kanya.

Anyway.. Basta nung nalaman ko, nalungkot na lang ako bigla...

//---------------------------------------------

Napanood ko na yung Happy Feet. Masaya siya. Ang cute ni mumbles. :D
At nabaliw ako sa trailer ng Harry Potter 5.

Kuya Fhadz
(di ko alam kung mababasa niya to):
Isang malaking.. THANKS. As in thank you for listening to my babbles.. Basta yun na yun. :)

At eto pa nga pala.. : Happy happy Birthday! :) Para kay
Shayne Guevara
-- sorry at di ako makakapunta sa iyong birthday bash sa Pampangga... :(
At kay Tani Cariño -- na sorry din at 10 years na ata tayong di nagkikita...

Ciao. :)



Moi.

I am: myqeen (mi-kin).
But most people would just simply call me by my sobriquet "Myx" (:

Je suis:
Twenteeny. 06.02.89.



Contact me thru:
E-mail

Facebook Myspace
Plurk Robo.to
Friendster

Tumblr 1 Tumblr 2
Multiply Deviant Art


Archives
  • October 2005
  • November 2005
  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • December 2007
  • January 2008
  • February 2008
  • March 2008
  • May 2008
  • June 2008
  • January 2010
  • February 2010
  • Current posts


  • Merci!

    Adobe Photoshop, To those people who created the brushes - whose names I can't remember, Geocities, Photobucket, Hosted Scripts, Cbox, Blogger, Stat Counter.

    Powered by Blogger

    ::

    ©Myxiedoo 2007.
    All Rights Reserved.