Sunday, January 27, 2008

I'm so frustrated. And I really don't know what the reason is. :(

I'm just in one of those moods wherein something's really bothering me, but I can't put my finger on it. :R

Hmmmn. Methinks i'm too lazy. And I hate me for it.

I'm failing school. BOO.

I gotta work my ass off to pull my grades up. Graaaah. :((

No time, no time, to be idle.

Labels:



Sunday, January 13, 2008

Grabe antagal magdownload ng .pdf files para sa recitation sa adver.

Haha. So ngayon ko lang siya dinadownload eh noh. Sorry naman.

I just came from my niece's first birthday pahaaarteee sa megamall.

At wala akong ma-say.
Ay meron pala.

Maganda yung AVP, Souvenirs and Invites. Charot! :))

Pero seriously, eto na ata yung pinaka-star-studded birthday party na pinuntahan ko ever sa buong buhay ko.


Kamusta naman. Andun kasi yung mga artista ng brother-in-law ko. At si Ricky Lee at si Mother, atbp.
Sosyal ng pamangkin ko, diba. Pang 1 yr old party lang pero pang debut ang level dahil sa mga guests.


Tapos syempre ma-showbiz nga ang mga tao kanina at nakakatawa na nasa gitna ng venue yung table nung mga artista. Haha. :)) Pero kahit tinitingnan sila ng mga tao eh deadma to the world lang sila at kanya-kanya sila ng mga chika. Chika sa cellphone, sa katabi nila, o yung isa pa eh nakita kong nag table-hop at nakikipagkamay sa mga tao tao. Hehe. Ayon.

Pero deadma to the world rin kami ng aking pamilya at lalo na ako na na-leyt sa pagdating sa party kasi nga nag-eerror yung pagrender ng AVP nung pamangkin ko at pinauna ko na silang lahat at nagcommute na lang ako papunta sa megamall.

Segue lang muna sandali.

Nakakatawa talaga mudang ko. Sabi ko, "Sosyal andito si Bembol (Na nakaupo lang sa table na katabi namin). Parang kakakita ko lang sa kanya sa TV (Maging Sino Ka Man), nung isang araw lang." Sabi naman ni mudang, "Lalapitan ko nga siya tapos sasabihin ko sa kanya na 'kawawa naman si Corazon, palagi mong binubugbog.'" At sinabi ko na lang kay mudang na, "Mom, I swear I will disown you as my mother pag ginawa mo yun. Ang jooools!"
Tapos ayun tumawa na lang siya. Joke lang daw. Haha. :)) Oo dapat lang na joke lang dahil hiyang-hiya talaga ako pag ginawa niya yun.
Well at least we're in good terms na dahil for the past few days eh nagaaway talaga kami ni mama dearest. :P

Anyway. Nalungkot talaga ako pagdating ko kasi naubusan ako ng pagkain sa buffet. Kaya ng buraot na lang ako ng mga pagkain ng mga kasama ko sa table. At nag-table hop pa ko sa mga kamag-anak namin para rin mang-buraot. As in unang bati ko talaga sa pagkain nila, "kakainin mo pa yan?" Tapos pag sagot nila ng hindi, gamit ang dala-dala kong tinidor eh tutuhugin ko na yung food nila sa plate. HAHA. :)) Pero kulang parin eh. :))

So buti na lang, nung nagsusungit na ko at nagrereklamo ako na wala ng pagkain, eh sinabihan ako ng isa kong ate na meron palang hidden-venue sa likod ng Italiannis at andun yung desserts area. Hanep. SanFo treats pala yung kinuha ng ate ko. So unlimited desserts galore! At dahil nga gutom talaga ako (katangahan ko rin dahil di ako nag breakfast at lunch.) kuha lang ako ng kuha ng pagkain. :)) Una naka-isang chocolate-sprinkle covered fuji apple ako. Tapos naka snow-cone ako. Tapos nag brownies pa ko. HAHA. :)) Pero di parin ako busog. So after nung ka-partyhan eh nagorder pa kami ng pamilya ko ng pagkain na amin sa same resto parin. Haha.

So ngayon, I'm a fat, happy boy. Este, girl.

Pero in-between nung party eh ayon pinahiram saakin ni bro-in-law ang kanyang d70. (Oh, joy.) At nagpicture picture ako ng mga tao at mga bagay. Whee.

Tapos hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko dahil gusto ko magpa-pic kasama si Isay Alvarez kaya lang umalis na siya nung naisip kong magpapicture ako sa friend ng ate ko na naka nikon d200. Haha. Specific eh noh. Pero. GAH. Ang saya saya kasi. Ang ganda talaga ng features. Tapos kasi sa speedlight nila. Infra-red activated yun. So kahit hindi naka-kabit sa hotshoe yung flash, kahit hawak mo yung flash ng super layo sa cam, basta you press the shutter, magfflash siya. Ang saya, diba.

Hay. Basta pangarap ko mag apprentice sa isang photographer.
Pero magwworkshop muna ako. At tatapusin ko muna yung photog subject namin. Nako, wish ko lang talaga na hindi si Santa Claus ang professor namin sa photog. Dahil Iddrop ko talaga yung subject pag siya magiging prof ko sa photog. Hindi makatarungan kasi.

//-----------------------------------------------

After the party eh dumeretso kami sa Kamuning church para habulin yung 8:30 mass.
Pag pasok na pag pasok ko eh bigla kong naramdaman na gusto ko magpasko ulit.
Kamusta naman paskong-pasko parin sa loob ng simbahan. Ang ganda nung decors. Andaming christmas lights, organza, atbp. Parang ang saya mag simbang gabi doon.

Kaya nga next year, sana by some divine intervention, marunong na ako mag drive at may kotse na ko. Tapos, magsisimbang gabi ako. Tapos sa 9 days na yun, iba-ibang simbahan pupuntahan ko.
Ang saya kasi. Gusto ko ulit mag 4am na simbang gabi kasi mahirap siyang gawin. Challenges are fun kaya! And besides, ang sarap ng feeling ng hamog. Na ang lamig-lamig sa labas at pumapasok sa ilong mo yung lamiiiiig!

And ayun pala. Sana this year di ako magisa magsimba. (:

//-----------------------------------------------

Ayan tapos na yung download. Magaaral na ko. Pero tatapusin ko muna tong blog entry ko.

Grabe andami ko palang kailangang gawin. Ngayon ko lang narealize.
  • Ilakad yung papers for Gen Rehearsals ng Facshow.
  • MAGARAL ng matindi para sa Spanish, Pol Dy, Copywriting prelims.
  • Research and Literature take home prelims.
  • Adver Markstrat, Copywriting Homework, Copywriting Recitation.
  • ADSpeak Paper.
  • Prison Break thesis - Chapter 1 draft.
  • OJT Resume.
Wahaha. Huwaw oh. Namiss ko tuloy maging nursery student. Na walang ginawa sa buhay kung di maglaro at maglaro lang ng lego sa klase. At wala ng iba pang homework kung di ang alalahanin lang kung ano ang pangalan ng iyong nanay at tatay at mga kapatid, at kung saan ka nakatira, etc. Walang responsibilidad, walang inaalala sa buhay kung di ay kung papano maalis sa pagkakadikit ang dalawang legong sobrang nipis. (Ang hirap kaya alisin nun! Try niyo.)

Anyway, ayun.. Ako nga pala si Sugar. :) YAY! Thank you Marlon. :D
At ako rin pala ang OSM ng Pambabae, Panglalaki at FacShow (pero kasama ko si Minguers.)

Suicide no?
Pero ginusto ko to eh. Kaya willing talaga akong mapagod this sem dahil feeling ko ang petiks ng buhay ngayong second sem. O baka siguro namiss ko lang ang stress na dinudulot ng TV Prod bawat linggo sa buhay ng mga tao.

Bakit ganun ako. Feeling ko may disorder ako sa utak. Ayoko ng responsibilidad at trabaho. Pero gusto ko mapagod kaya nga tumatanggap ako ng mga trabahong ganun.
Hmmn. Sabi nga ng ate ko, "You're spreading yourself too thin." Pero. Wala lang. Masaya ako eh. Masaya akong napapagod ako. Huh? Weird.
Kailangan ko lang siguro ng trabahong galaw ako ng galaw. Feeling ko nga eh hindi ako pwedeng magpaperworks lang o mapirmi sa isang lugar. Short attention span ata ang tawag dito.

Which brings us to my next dilemma.

Di ko parin alam kung saan ako mago-OJT. Andami kong gustong gawin.
Eto ang mga gusto ko.
  • Events (BigFish)
  • TV Production / Network (Uh. Kahit ano dun sa dalawa.)
  • Media Placements (Starcom!)
  • Advertising Agency (Either Publicis or BBDO or JWT or McCann.)
  • Post-Production (Ignite or RoadRunner.)
Nagpapanic na nga ako eh. Sure na yung mga kaklase ko sa gusto nila. Ako wala paring gusto. Or meron akong gusto pero di ko alam. Ay alam ko pala. I-clone sarili ko tapos pumasok sa lahat ng yan.Wow. Or gawing 500 hours ang OJT ko. Para 100 hours each profession. Ayos rin yun.
Pero seriously. Wala ata akong future. Natatakot ako. Para saakin kasi make or break yung OJT experience eh.

Alam ko na. Para dumali buhay ko.

Magddrop-out na ko sa school. Tapos magaartista na lang ako.
At least pag artista ka, sarili mo lang responsibilidad mo tapos instant cash.

Dahil yun naman talaga balak ko sa buhay. I-stabilize sarili ko financially and emotionally, tapos, ikasal, then manganak, tapos ayon. Basta kailangan ko muna yumaman bago ko gawin ang mga bagay na iyon.

Sige sige. Tama. Magaaudition na lang ako sa PBB teen edition.

Charot.

Parang marunong ako umarte eh noh. And please lang ha. Gusto ko naman na yung pera na makukuha ko eh galing sa trabahong nagagamit ko yung mga natutunan ko sa kolehiyo. (Except yung math. :P) Pero ayon. Sayang kaya. Gagastos magulang ko sa pagaaral ko ng CommArts tapos sa kahuli-hulihan sa wala rin pala mapupunta lahat ng yun. No way. :P

//-----------------------------------------------

Hayun. Di na pala ako magaaral. Bukas na pala. Inaantok na ko.

Haha. Kahit ang motto ko ngayon eh, "Fuck Procrastination!"

Pero inaantok na kasi ako eh!!!

Ayon. Anyway, sige matutulog na ko.

Isang buwan na kami. ;)
Aylabyu, love. :)

MWAHUGZZZZ.

*bounce.*



Moi.

I am: myqeen (mi-kin).
But most people would just simply call me by my sobriquet "Myx" (:

Je suis:
Twenteeny. 06.02.89.



Contact me thru:
E-mail

Facebook Myspace
Plurk Robo.to
Friendster

Tumblr 1 Tumblr 2
Multiply Deviant Art


Archives
  • October 2005
  • November 2005
  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • April 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • October 2006
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • April 2007
  • May 2007
  • June 2007
  • July 2007
  • August 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • November 2007
  • December 2007
  • January 2008
  • February 2008
  • March 2008
  • May 2008
  • June 2008
  • January 2010
  • February 2010
  • Current posts


  • Merci!

    Adobe Photoshop, To those people who created the brushes - whose names I can't remember, Geocities, Photobucket, Hosted Scripts, Cbox, Blogger, Stat Counter.

    Powered by Blogger

    ::

    ©Myxiedoo 2007.
    All Rights Reserved.